Pages

Sunday, January 9, 2011

It's the Climbs...

Binasa ko ulit ang post ni Lourd de Vera. Oo, tama siya. Umasal lamang tayo ayon sa ganda. Pero me kulang. Paano naman yung mga taong hindi umaasal ayon sa yaman?

Oo. Me mga ganoong tao. Kung naaalibadbaran ka sa mga nag-iinarteng mukha namang tsonggo, tiyak mas maiinis ka sa mga taong hindi naman ganoon kayaman pero kung umasta, eh feeling anak ni Lucio Tan.

Social climber. Kat-kat (ayon pa sa mga kaibigan kong laking Davao at hanggang ngayo'y tambay pa rin sa Kebab sa harap ng Arreneyer). At kung anu-ano pa ang pwedeng matawag sa kanilang uri. Kung bakit mayroong ganoong tao sa mundo, maraming maaaring maging sagot: Maaaring Peer pressure o kaya nama'y Marketing tactic (Siyempre, ayaw mong hiyain ang sarili mo sa boss mo't mga business associates niya kung nagmumukha kang basura diba?). Puwede ring may toyo sa utak (Illusions of Grandeur kung baga. Sige, you're excused).

Pero kahit ano man sanhi ng ganitong klaseng asal, (whether excusable or not), hindi mo mapipigilan ang pagkayamot ng mga tao sa kapaligiran mo. Kung may right kang mag-astang burgis, may right din kaming laitin at hiyain ka.

Mga gabay para makaiwas ng ostracization dulot ng pagiging Social Climber:

Unang una, gusto kong magpasalamat kay Lourd de Vera sa pagbibigay inspirasyon at lakas ng loob para ibahagi ang aming saloobin tungkol sa mga tyonggo at baboy damong nag-iinarte at sa mga dukhang nag a-ala Paris Hilton.

1. Kung pupunta ka lang naman ng coffeshop para ipagmalaki ang iyong bagong iPad, Macbook, iPhone, laptop at kung anu-ano pang mamahaling gadget, bumili ka naman ng sarili mong kape. Huwag magpalibre o makiinom sa kape ng kasama mo. Kung me pera ka lang naman pambili ng mamahalin mong kagamitan, siyempre naman makakabili ka rin ng isang basong kape sa Starbucks diba?

2. Kung gigimik kasama ng mga sosyalera (o kunwareng sosyalera) mong barkada sa isang mamahaling bar, mahiya naman kayo sa balat niyo kung magtitiis kayo sa isang kapiranggot na order ng french fries at isang basong iced tea. Ano? tigdadalawang stick kayo ng french fries at ipapasa pasa niyo ang iced tea?

3. Kung nakapasok ka sa VIP section ng isang exclusive party or bar, o nakatsamba kang nakakain sa isang mamahaling restaurant, umasal lamang ng tama. Huwag tarayan ang waiter o waitress, lalung lalo na kung mukhang mas mayaman sila sa iyo. Huwag mang head-to-foot at manglait ng ibang tao lalo pa't nakapasok ka lang ng libre dahil sa mga kasama mo.

4. Kung nakakain sa isang mamahaling restaurant, huwag magmarunong at magkunwaring naiintindihan mo ang mga nasa Menu kung ayaw mong magtiis sa itlog ng isda at sinabawang kuhol. Magtanong sa waiter kung anong maiirekomenda nila sa iyo.

5. Hindi porke't mamahalin ang damit mo eh magmumukha ka nang mayaman. Hindi lahat ng couture ay bagay sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Huwag pilitin ang sarili sa Gucci tube o Prada stilletos kung magmumukha ka namang suman sa sikip ng damit mo o kaya'y mukhang binudbod na luya ang paa mo. Huwag ka ring mangarap sumuot ng Jimmy Choo flipflops kung mukha namang magsasaka ang iyong paa. Magpapedicure ka muna.

6. Kung update ka ng update sa Facebook para lang makita ng buong mundo na ang gamit mong pang facebook mo ay ang iPhone, iPad, Samsung Galaxy Tablet o Blackberry mong second-hand, utang na loob. Hindi kailangang malaman ng buong mundo kung anong kulay, hugis at laki ng jebs na lumilitaw sa inidoro mo.

7. Kung sales lady ka lang ng isang prestihiyoso at sosyaleng establishment, huwag umastang ikaw ang may-ari ng store, restaurant or shop na to. Hindi ko kailangan malamang mahal ang binebenta niyong mga damit at maaaring hindi ito kaya sa bulsa ko dahil alam kong hindi mo rin to kayang bilhin kahit mag-ipon ka ng isang taon. Huwag magtaray. At next time, bawasan mo make-up mo dahil nagmumukha ka nang payaso.

8. Gaya nga ng sabi ni Lourd de Vera, "Huwag artehan ang pananalita. Wag lagyan ng impit at kulot ang dila mo - unless lumaki ka sa US, nag-aral ka sa mamahaling paaralan, nakatira sa isang exclusive subdivision, o nanggaling ka sa pamilya ng mga panginoong may lupa."
Sa tingin mo, matutuwa sayo ang driver ng jeep at mga pasahero nito kung ganito kang pumara: "Manong, make para by the kanto po."

At huwag kang Inggles ng Inggles, lalung lalo na kung mali-mali lang rin naman.

9. Huwag mag kunwaring first time mong sumakay ng jeep o trike sa buong buhay mo. At huwag, inuulit ko, huwag magkunwaring nandidiri ka sa mga fastfood gaya ng Jollibee at mga karinderya dahil alam naming ito lang ang sumasagip sa iyo sa panahon ng kagipitan. Huwag maging ingrata.

Sarili mo lang ang niloloko mo.

10. Kung may dalang mamahaling gadget gaya ng DSLR camera, laptop o tablet, huwag magtiis sa MRT o jeep. Hindi respeto o paghanga ang makukuha mo. Siguradong holdup ang aabutin mo.

11. Kung ipinaglalandakan mong partyphile ka't kasama mo ang mga alta sociedad sa mga sosyaleng gigs sa makati, malate at kung saan saang ekslusibong clubs at parties, siguraduhin mo namang may laman ang wallet mo, kahit pamasahe pauwi sa bahay niyo.

12. Isang malaking, major-major NO-NO ang pagtatanong kung magkano ang kinikita ng ka-date mo.

13. Simplicity is beauty. Ibig sabihin, hindi mo kailangang lumabas ng bahay nang nakaheels at naka lipstick kung bibili ka lang naman ng toothpaste at toyo sa kapitbahay mo.

14. Kung balak mong mag-invest sa mamahaling cellphone, mag postpaid ka nalang rin. Mamahalin nga cellphone mo, wala ka namang load. Sira pa rin ang diskarte mo.

15. Mag-ingat sa pagsuot ng fake. Wala kang mauuto sa Oakey shades, Live's jeans at Bulagi na bag.

16. Huwag mong piliting bumili ng mamahaling gamit kung alam mo namang hindi kaya ng suweldo mo o budget ang nanay at tatay mo. Hindi mo obligasyong gutumin ang sarili mo ng ilang buwan para makuha lamang ang minimithi mong Prada na bag. Bakit? Makakain mo ba ang bag na iyan kung gugutumin ka? Mas lalong hindi obligasyon ng Mang at Pang mong ibenta ang nag-iisang kalabaw nila para makabili ka ng Samsung Galaxy Tablet o Macbook.

17. Huwag parating umasa sa libre. Maganda nga damit mo pero ultimo mineral water mo, iaaasa mo pa sa kung sinu-sinong sa tingin mong mahuhuthutan mo.
18. Huwag maging matapobre. Hindi porke't umasenso ka na sa buhay dahil may nauto kang 4M (matandang mayamang madaling mamatay) o dayuhang mayaman ay may karapatan ka nang mangabuso ng hotel staff at maligo ng alcohol matapos mahawakan ng 24 karat mong kalingkingan ang isang batang lansangang nanlilimos. Matutong lumingon sa pinanggalingan.
19. Hindi porket nakalabas ka lang ng Pilipinas ng isang beses ay jet setter ka na. Wala kang karapatang idiin sa kausap mo kung anong meron sa Singapore na wala sa Pinas, lalu't lalo nang first time mo pa lang nakapunta sa ibang bansa. Hindi mo lang alam, mas well travelled ang kausap mo.
20. Huwag maging ambisyosa. Babaan mo ang standards dahil mapapahiya ka lang kung ipinipilit mo sarili mo sa isang guwapong mayaman. Ang hinahanap nila sa babae ay may breeding, hindi mukhang asong galisin.

2 comments:

callcenterguy said...

Ang galing! Lahat ata ng gusto kong sabihin sa mga taong "matataas" andito na! Great post!

Urban Princess said...

thanks. :D LOL. :D mas harsh yung post ni Lourd de Vera. :) hahaha.

google search

Custom Search