Pages

Friday, January 29, 2010

Pinoy nga naman: My most favorite Pinoy quirk of all times

Pinoy nga naman. alam na nga tae, inaamoy pa. :) hahahaha.

Di mo gets? o kunwaring clueless ka lang? eto sayo.

----------------------------------------
Lalaki, nakita ang asawang kakalabas lng ng CR, nakatapis at naka balot ang buhok sa tuwalya.

Lalaki: hun, bagong ligo ka?
Babae: hindi hun. feel ko lang magmukhang bumbay. eto o, turban ko. cute noh?

----------------------------------------
henyo, nakitang nagmamop ang janitor, biglang huminto't nagtanong:

Henyo: kuya, nag ma mop ka?
Janitor: (nag mala Socrates). Hindi iho, nagsusulat lang. Laki ng ballpen ko noh?

----------------------------------------
Dalawang kolehiyala, isang La Sallista't isang taga UP, naglalakad sa kalye't nakakita ng tae sa kalsada.

La Sallista: ewwwww. is that tae. (sabay turo sa tepot)
taga UP: hindi mads. chocolate yan. tikman mo nga.


-----------------------------------------
(inspired by Vice Ganda)

mag BFF, naglalakad sa mall, nakakita ng buntis.

bff1: ay, buntis?
bff2: hindi. may kabag lang. tadyakan mo nga.

mag BFF, patuloy sa paglalakad sa mall, nakakita ng pilay.

bff1: ay, pilay ba siya?
bff2: hindi mads. trip lang niya. bagong dance step.

------------------------------------------
magbabarkada, nagbabasketball. yung bola, gumulang sa damuhan at nadaganan ang tepot ng aso. Si player one, dahan dahang pinulot ang bola at inamoy.

Player 1: T**g i*a tol, me tae sa bola natin. shet talaga, ang baho. (sabay amoy ulit) T**g **a pare, ang baho talaga!
Player 2: talaga bro? paamoy nga.

2 comments:

callcenterguy said...

Grabe! Napatawa mo ko! Hahahahaha!

Urban Princess said...

hahahaha. panoorin mo ung gigs ni Vice Ganda... mapapatambling ka talaga. :D

google search

Custom Search