Pages

Wednesday, January 14, 2009

henyo

3 WORDS. FULL OF IT. sobra. FULL OF IT.



Taimtim akong nagrereport sa klase at sa awa naman ng Diyos, nakakasagot naman. Hetong henyong si Einstein, hindi ko alam kung anong issues niya sa buhay at kung anong gusto niyang iparating at panay ang pag sa side comment at pag nenegate niya sa aking report. Nakakabanas.



Eto ang problema ng karamihan sa tao sa KAL.



OO. aware kaming matalino ka. Wala akong paki kung ang IQ mo ay lagpas Stratosphere na sa taas. Kebs din kung lumamon ng sangdamakmak na mani ang ina mo nung ipinagbubuntis ka kaya ganun nalang ang kahenyohan mo. Pero anong gusto mong palabasin? Na bobo kami at ikaw lang ang magaling?



Effin Know it all.





I have no qualms with being face to face with a genius. I thrive in the crowds of intellectuals as a matter of fact. No worries.



But know it alls are another thing. I would enjoy conversing with mad scientist who gleefully shares his diabolical plan of world domination more than being stuck in a classroom with someone who argues for the sake of arguing.



Nakakasuya yun.



Yung tipong alam na alam nilang matalino sila. Sige, fine. OO. henyo ka. WOW. Sobrang acquainted ka sa mga literary theories na pwede mo nang tawaging "Bespren" yung mga nagfoformulate non. Sabihin nating lamang ka ng limang puntos sa IQ (at kalahating paligo) kay Albert Einstein. Pero ang ipamukha sa ordinaryong taong superyor ka kumpara sa kanila ay sampal sa mukha sa aming katamtaman lamang ang kaalaman.

Huwag kang mayabang. Hindi lahat ng tao ay nasisiyahan sa pagpapakitang gilas mo. HIndi namin kailangang alamin kung ano ang nalalaman mo dahil sa maniwala ka man o hindi, hindi kami yayaman diyan...

2 comments:

Maldito said...

indi talaga makuha kuha yang mga ganyan sa classroom...parang naging bahagi na sila ng civilization sa loob ng classroom at parang naging necessity na sila sa araw araw na pamumuhay ng isang estudyante....kabadtrip nga ang ganyan dahil narasanan ko din na may ganyang classmate..the nerd!ahahha..wala silang life..isipin mo nalang boring life nila at dapt silang bigyan ng blade!

Urban Princess said...

bwahahaha... blade? sa bagay... the slower the torture, the better... :) baka gusto pa nilang tulungan ko sila at isa isa silang mawala sa mukha ng daigdig... :) para silang mga tagihawat na dapat pisain!!!

google search

Custom Search