Pages

Wednesday, November 5, 2008

The darndest thing...

Isang araw palang ako sa Manila, minalas na ako agad... Eh syempre, nagugutom na ako noh... Kumain kami sa KFC along katipunan kasi maghahanap kami ng dormitoryo para sa akin... :) Naknampu... Di ko akalaing ang mamahal ng mga tirahan dito... Eh kunsabagay kung gusto ko naman din ng mumurahin, mag tatyaga ako ng walang aircon at walang gym... :) Eh di xempre, mag tya tyaga din akong panay tawag ni mama at ni papa kung buhay pa ba ako o kung hinablot na ako ng kung sinong Psychopath diyan at nirape at chinop chop na ako ng pinong pino't tinapon na sa Pasig River... Ang morbid ko ano? Anyway, so un...

So, eto... Story of my life... KFC kami pumunta upang kumain... (alangan maligo diba? Puhlease...) timing, tanghaling tapat so gutom na ang estudyante ng Ateneo at ng miriam so it follows, ang daming pogi dung nag aamoy lapis at papel... Not that I care anyway... (kunwari pa..)

Since mabait akong anak, sinabihan ko si mama na umupo nalang at mag antay kesa siya ang tatayo't magpila para sa pagkain namin... Nung turn ko na, hindi na gumagana ng maayos ang utak at pandinig ko.

Tumingin at ngumiti ang cashier sa akin sabay turo sa kabilang cash register at sabay sabing "Sa Kabila ho."

Tumingin ako sa kabilang cashier, wondering why on earth would he make me move to another cashier when I'm in front of him. At wala namang tao dun... Siguro masyado siyang na cu cutan sa akin at baka mali ang ma punch niya sa cash register at isang libo pa ang ma charge sa akin... hinding hindi ko siya mapapatawad nun kahit cute siya...

Hindi ako nagdalawang isip at lumipat din ako dun at tumingin ulit siya... Laking taka niya na pumila ako sa walang tao... "Eh sabi mong lumipat ako sa kabila eh..." Sabi ko sa sarili ko...

Siguro isang minuto na akong nakatayo dun at tinititigan na ng cashier at ng mga tao dun nung narealize ko ang sinabi niya ay "ANO PONG ORDER NIYO MISS" at hindi "SA KABILA HO."

Hindi pa nagtatapos ang kahihiyan ko dun...

Dahil sa sobrang hiya at panic ko, lumipat na naman ako ng pila sa kabilang cashier na katabi din lalaking un... Of course, kita ni mommy ang buong eksena so Mommy to the rescue agad... "Bakit ka lumipat eh turn mo naman un?" tanong niya... Dahil sa ayoko uling tawaging tanga, sinabi ko sa kanya pinalipat ako ng cashier... "Eh leche naman, gutom na kami at bakit ka palilipatin nun eh dapat kinukuha niya ang order mo?!" sabi ni mama sabay lakad sa harap. "Gago ka ba? Bakit mo pinalipat ang anak ko?!" Sigaw ni Mama...

"Hindi ko naman po siya pinalipat eh... Tinatanong ko nga po kung ano order niya..." Sabi ng defensive na mamang cashier na muntik nang maihi sa takot. Babala: Huwag galitin si Mommy pag gutom...

Ang maganda lang sa nangyari nun, napa VIP ako agad at tinake ang order ko on the spot... sa kabila ng lahat... :) wala pa 3 minuto kumpleto na order namin... me libre pa kaming refill ng ceasar salad dressing para sa salad namin...

wala lang... share ko lang... :)

1 comment:

yek said...

Hi, i just read your post, ang saya naman pla ng boarding house hunting nyo. Your blog is interesting. Very kikay. Mind if I add you to my blogroll?

google search

Custom Search