Pages

Thursday, October 23, 2008

Asocena


Masarap ba Manong Tomas? Yung putaheng nakahain sa harap mo ngayon? Mainit init. Umuusok. Samahan mo ng isang basong beer at katakot takot na tawanan. Habang tinutusok mo ng tinidor ang malambot na karne, naiisip mo ba ang isang taong nawalan ng kaibigan? Ng kalaro? Ng Kasama at karamay?

Sa bawat nguya at ngasab mo sa kinalderetang laman, naiisip mo ba si Totoy na gumagala't umiiyak dahil hinahanap si Whitey? O ang matandang aleng dumudungaw na lang sa bintana at inaantay ang pagdating ni Bantay na nawawala mula kahapon? Nalalasahan mo ba ang kanilang lungkot at pag-aalala?

Masarap daw ang karne ng aso sabi nila. Malambot at malasa, hindi raw gaya ng baka o baboy. Mainit sa tiyan. Mabango at di gaano karami ang taba. Ika nga ng mga istambay sa kanto, pampainit daw ng katawan ang karneng aso. Pampagana.

Kaawa awang mga nilalang. Ang buhay nilay katumbas lamang ng isang mumurahing viagra o isang gabing pulutan. Silang walang hinangad kung hindi ang makita ka at makalaro sa pag-uwi mo. Silang walang humpay na nagbabantay sayo at sa pamilya mo. Silang hindi nagagalit kahit minsa'y napapalo. Silang nagmamahal na wagas...








REPUBLIC ACT NO. 8485: AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998”
Section 6.
It shall be unlawful for any person to torture any animal, or to neglect to provide adequate care, sustenance or shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horsefights, kill or cause or produce to be tortured or deprived of adequate care sustenance or shelter, or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare.


REPUBLIC ACT NO. 9482 AN ACT PROVIDING FOR THE CONTROL AND ELIMINATION OF HUMAN AND ANIMAL RABIES, PRESCRIBING PENALTIES FOR VIOLATION THEREOF AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR




KILL THE PRACTICE.... NOT THE DOGS... SAY NO TO DOG MEAT TRADE!!!


volunteer

if it barks or meows, it ain't food

7 comments:

Maldito said...

MInsan ko nang inaway si tatay noong pinaihaw niya si brownie dahil nangagat ng tao....

umiyak ako ng todong todo...

tangena ang mga taong kumakain ng aso..

mamatay din sana sila...sa kagat ng aso...hmmp!

Urban Princess said...

mamamatay din silang lahat... sa e-coli at rabies. kaya nga mahigpit nang ipinagbabawal ang pagkain at pag benta ng laman ng aso dahil sangkatutak na virus at bacteria ang makikita mo sa karneng aso... poor doggies...

rest in peace brownie... :(

Axel said...

Sa totoo lang mahilig ako sa aso, pero nakatikim na rin ako ng Asocena... Pero hindi ko naman nakahiligan...

Kakaawa tuloy yung mga doggy...

Urban Princess said...

panood niyo ang MGB dati? na feature ang asocena sa MGB noon. nagkulong talaga ako sa banyo at umiyak... siyet.. :( unforgettable ung araw na un... :(

Anonymous said...

ahahaha..kawawa ka naman..nagkulong sa banyo..bibili ako ng aso next month..gift ko sa sarili ko...hmmp!hahahhaa
- maldito

Urban Princess said...

hehehehe... ansakit kayang panoorin yon... :) asong pinapalo ng dos por dos tapos pinupugutan ng ulo... :(

waaaah... dami na kaming aso dito... :) anong aso bilhin mo? :) the smaller the better... ung tipong ilalagay sa bag at dadalhin sa malls o sa office mo... tapos terno ang suot niyo... :) ginawa ko un date... pinunit ng lintik, este ng cute kong aso ang t-shirt niyang pagka mahal mahal...

Axel said...

Hindi ko napanood yung sa MGB dati eh... Pero kita ko lang yung commercial nun...

Grabe nga yun eh...

google search

Custom Search